BAKIT GA NGA? (wala lang)
—->Minsan sa buhay ng tao, habang nagmumukmok ka at pinagmumunimunihan ang araw na nakita moh ang crush mong may kaakbay na iba o kahit yung simpleng kung anong kakainin mo para sa dinner, maiisip mo ba BAKIT GA NGA ganito ang buhay ng tao. Bakit nga ba kailangan pa nating matulog to think na gigising din tayo kinabukasan? Bakit kailangan pa nating magpakamatay sa pagsagot sa mga lintik na equations eh ndi naman tayo tatanungin ng ‘x times the square root of y’ sa pag-aapply natin sa trabaho? Bakit kailangan pa nating makinig sa ating mga professor na walang ginawa kundi gawin tayong haggard?
Bakit ga nga kailangan pang may maghiwalay? (masakit) Bakit ga nga kailangang magkagusto pa sa boyfriend mo ang taong pinakaiinisan mo? Sa dinami-dami ng party sa mundo (birthday party, christmas party, halloween party, part-party at kung anu pang party) eh kailangan pang mauso ang third party? HIndi ba pwedeng maghanap na lang sila ng kanila? Hmm bakit kailangan pang i-like ng mga friends mo sa facebook ang pagpapalit mo ng status mula single to its complicated? Nang-aasar lang ga sila? At eto pa, bakit kailangan pang titigan ng ex ang FB nni present? Kuh, yun ga talaga ang nakakaiyamot sa lahat! anyway marami pa, bakit nga kailangan pang mag-pretend ng isang lalaki na lalaki siya na kahit na obvious namang hindi talaga? Bakit kailangan pang mag-bulagbulagan ang isang tao kahit alam naman niyang may gusto sa kanya ang inaakala niyang mortal enemy no. 1 niya? Bakit ga nga may naha-heartbroken pa kung pwede namang lahat eh may kanya-kanyang love story’, di ga?
At sa puntong ito, bigla laang akong may naisip. BAKIT KO NGA GA SINUSULAT ARE?
Wala lang *wink*
:)
We were given: Two hands to hold. To legs to walk. Two eyes to see. Two ears to listen. But why only one heart? Because the other was given to someone else. For us to find.

